|
||||||||
|
||
Manila — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Martes, Pebrero 7, 2017, kay Yang Xiuping, bumibisitang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Center (ACC), simpleng inilahad ni Assistant Secretary Hellen De La Vega, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang ideya ng gawain bilang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag niya na makaraang isagawa ng panig Pilipino ang pakikipagsanggunian at pakikipagpalitan sa mga dialogue partners nito at malawakang pakinggan ang mga palagay at mungkahi mula sa iba't-ibang panig, pasusulungin ng kanyang bansa, pangunahin na, ang mga gawain sa anim (6) na agenda na gaya ng pagtatatag ng prinsipyong "people-oriented and people-centered", kapayapaan at katatagang panrehiyon, seguridad at kooperasyon sa dagat, inklusibong inobasyon at paglaki, pagtatatag ng "Resilient ASEAN," at pagpapalakas ng papel ng ASEAN bilang huwaran ng rehiyon at puwersang pandaigdig.
Dagdag pa niya, inaasahan ng panig Pilipino ang pagpapalakas ng pakikipagsanggunian at pakikipagkooperasyon sa ACC upang mapasulong ang pragmatikong kooperasyong Pilipino-Sino sa mga larangang tulad ng kalakalan, pamumuhunan, at agrikultura.
Ipinahayag naman ni Yang ang pag-asang mapapalakas ang kooperasyon at pagpapalitan sa pagitan ng ACC at Pilipinas para mapasulong ang sustenable, komprehensibo, at malalim na pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN at relasyong Sino-Pilipino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |