|
||||||||
|
||
Nagtagpo Martes, Pebrero 7, 2017 sa Manila sina Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Centre (ACC) at Marie Banaag, Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Sina Yang Xiuping (ika-3 mula sa kaliwa sa litrato), Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Centre (ACC) at Marie Banaag (ika-3 mula sa kanan sa litrato), Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ipinahayag ni Yang na pinahahalagahan ng ACC ang mahalagang papel ng media sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN at pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang panig.
Sinabi pa ni Yang na ang taong 2017 ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN at Taon ng Kooperasyong Panturismo ng Tsina at ASEAN, umaasa ang ACC na mapapahigpit ang kooperasyon sa PCOO para pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN at pagpapalitan sa pagitan ng mga media ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Asec. Banaag na umaasa ang PCOO na pahihigpitin ang pag-uugnayan sa mga departamento ng Tsina para pasulungin ang mga aktuwal na kooperasyon ng mga media ng dalawang bansa.
Sinabi pa niyang nakahanda ang PCOO na pahigpitin, kasama ng ACC, ang mga kooperasyon para mas mainam na ilahad ang kalagayang panlipunan at pangkabuhayan ng Tsina sa iba't ibang sektor ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |