Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ACC, espesyal na tulay para sa relasyong Sino-ASEAN

(GMT+08:00) 2016-11-07 12:10:52       CRI

Idinaos kamakailan sa Beijing ng ASEAN-China Center (ACC) ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Dumalo rito ang halos 400 panauhin na kinabibilangan nina Sun Guoxiang, espesyal na sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliraning Asyano, Vandy Bouthasavong, Embahador ng Laos sa Tsina, mga diplomata at kinatawan ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Singapore, Pilipinas, Thailand, at Biyetnam sa Tsina, at mga kinatawan mula sa sirkulong komersyal at industriyal, akademiko, bahay-kalakal, at media.

Si Sun Guoxiang, espesyal na sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliraning Asyano

Binasa ni Sun ang mensaheng pambati na ipinadala ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina. Sa kanyang mensahe, lubos na pinapurihan ni Wang ang natamong kapansin-pansing bunga ng ACC nitong limang (5) taong nakalipas. Aniya, ang ACC ay unti-unting nagsisilbi bilang espesyal na tulay at mahalagang plataporma ng mapagkaibigang pagpapalitan at pragmatikong kooperasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Positibong ambag ang nagawa nito para sa pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, dagdag niya.

Si Vandy Bouthasavong, Embahador ng Laos sa Tsina

Sa kanya namang mensahe, sinabi ni Vandy na sa pamumuno ng Pangkalahatang Kalihim ng ACC na si Yang Xiuping, gumaganap ito ng mahalagang papel para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-ASEAN. Aniya, bilang tulay at plataporma, malakas na isinusulong ng ACC ang pag-uugnayan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa iba't-ibang larangan. Bukod dito, napalalim din nito ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa mga larangang tulad ng kalakalan, pamumuhunan, edukasyon, kultura, turismo, at media, dagdag pa niya.

Si Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC

Ipinahayag naman ni Yang ang pasasalamat sa ibinibigay na pansin at pagkatig ng mga pamahalaan ng Tsina at mga bansang ASEAN, at iba't-ibang sirkulo ng lipunan, sa ACC sa mahabang panahon. Aniya, patuloy na magsisikap ang ACC para makapagbigay ng mas malaking ambag sa kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at ASEAN.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>