Ipinahayag kamakailan ni Lim Hng Kiang, Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Singapore, na pagkaraang tumalikod ang Amerika sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP), dapat magsikap pa ang iba pang 11 miyembrong bansa nito upang tapusin ang proseso ng pag-aproba sa kasunduang ito. Ito aniya ay paghahanda para sa muling pakikilahok ng Amerika.
Ipinahayag din niya na sa kalagayang di-pakikilahok ng Amerika, kailangang mataimtim na pag-aralan ang bagong plano upang balansehin ang kapakanan ng iba't-ibang panig.
Salin: Li Feng