Kaugnay ng pagpapatalastas ng Amerika ng pag-urong sa Trans-Pacific Partnership (TPP), inilabas kamakailan ang reaksyon dito ng Biyetnam, isa sa mga kasaping bansa ng TPP.
Sinabi ni Le Hai Binh, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Biyetnam, na sa pamamagitan ng masipag na talastasan ng 12 kasaping bansa ng TPP nitong nakalipas na 6 na taon, natapos at nilagdaan nila ang nasabing kasunduan. Kung ipapatupad ang TPP, makakatugon ito sa komong interes ng lahat ng mga may kinalamang kasaping bansa. Aniya, ito ay hindi lamang lilikha ng bagong lakas-panulak para sa pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng iba't ibang bansa, kundi may mahalagang katuturan din para sa kooperasyon, pag-uugnayan, katatagan at kasaganaan ng kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Ipinahayag din ng panig Biyetnames na ipagpapatuloy nito ang sariling usapin ng reporma, at palalakasin ang mga gawaing preparatoryo sa loob ng bansa, upang maigarantiya ang mabisang pagpapatupad ng iba't ibang kasunduan sa malayang kalakalan na nilagdaan at lalagdaan ng Biyetnam.
Salin: Vera