Kaugnay ng di-umano'y pagpapatigil ng Tsina sa real estate project ng Lotte Group ng Korea sa Shenyang ng Tsina, sinabi nitong Miyerkules, Pebrero 8, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang prinsipyo, winiwelkam ng panig Tsino ang pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal sa Tsina. Ngunit, dapat maging lehitimo at sumunod ang negosyo ng mga dayuhang mangangalakal sa batas at tadhana ng Tsina.
Kaugnay din ng isyu ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) System, sinabi ni Lu na walang anumang pagbabago ang paninindigan ng panig Tsino na buong tatag na tinututulan ang pagdedeploy ng Amerika ng THAAD sa Timog Korea.
Salin: Li Feng