|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepuno nitong Martes, Setyembre 13, 2016, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Yun Byung-se ng Timog Korea upang magpalitan ng kuru-kuro tungkol sa situwasyon ng Korean Peninsula, at iba pang isyu.
Ipinahayag ni Wang na nagpahayag ang panig Tsino ng pagtutol sa isinagawang nuclear test ng Hilagang Korea. Sinang-ayunan aniya ng panig Tsino ang paggawa ng United Nations (UN) Security Council ng kinakailangang reaksyon hinggil dito. Ngunit hinihiling din ng panig Tsino sa iba't-ibang panig na magtimpi para maiwasan ang pagsasagawa ng anumang aksyong posibleng hahantong sa maigting na situwasyong ito, dagdag pa niya.
Samantala, inulit din ng Ministrong Panlabas ng Tsina ang posisyon ng panig Tsino na tumututol sa pagde-deploy ng Amerika ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) sa Timog Korea. Hinimok niya ang panig Timog Koreano na igalang ang pagkabahala ng panig Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |