|
||||||||
|
||
Nagtagpo Miyerkules, Pebrero 8, 2017 sa Manila sina Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN China Center (ACC) at Ramon M. Lopez, Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas.
Sinabi ni Yang na noong 2016, ang kabuuang bolyum ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Pilipinas ay lumampas sa 47 bilyong Dolyares.
Sinabi rin niyang sa susunod na yugto, buong sikap na pasusulungin ng ACC ang kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa at mga kooperasyon ng dalawang bansa sa kakayahang pagpoprodyus, agrikultura at pagpawi ng kahirapan.
Ipinahayag ni Lopez na noong nagdaang Oktubre ng 2016, narating nina Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang counterpart na si Xi Jinping ng Tsina ang komong palagay hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan. Umaasa aniya siyang buong sikap na maisasakatuparan ang nabanggit na komong palagay para walang humpay na pataasin ang lebel ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Sinabi pa niyang lubos na pinahahalagahan ng Pilipinas ang pag-unlad ng mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal at e-comerce at winewelkam ang pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal ng Tsina.
Naniniwala aniya siyang gagampanan ng ACC ang mahalagang papel sa pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |