Sa Kuala Lumpur, Malaysia — Nakatakdang ipinid Miyerkules, Setyembre 28, 2016, ang anim (6) na araw na Ika-11 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Skills Competition.
Napag-alamang ang tema ng naturang kompetisyon ay "Nakakapagbigay ang Kasanayan ng mas Magandang Kinabukasan." Mayroon itong sampung (10) events na dinaluhan ng mga delegasyon mula sa 10 bansang ASEAN. Sa panahon ng paligsahan, idinaos din ang maraming katugong porum. Samantala, nagkaroon ang mga dalubhasa mula sa Pilipinas, Indonesia, at iba pang bansang ASEAN, ng pagpapalitan ng impormasyon at pagbabahaginan ng karanasan, at iniharap nila ang mga mungkahi para mapataas ang lebel ng kasanayang propesyonal ng ASEAN.
Sa kanyang talumpati, lubos na pinapurihan ni Huang Ying, Puno ng Departamentong Tagpagkoordina ng ASEAN-China Center (ACC), ang mahalagang katuturan ng nasabing paligsahan. Ipinahayag niya na kasunod ng pagtatatag ng komunidad ng ASEAN at transpormasyon ng kabuhayang Tsino, kapwang kinakailangan ng dalawang panig ang mas maraming mahuhusay na talento. Aniya, ang ibayo pang pagpapalawak ng dalawang panig ng kanilang kooperasyong pang-edukasyon ay may malaking potensyal, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng