Nagtagpo Miyerkules, Pebrero 8, 2017 sa Manila sina Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN China Centre (ACC), at Alma Rita Jimenez, Undersecretary ng Kagawaran ng Turismo (DOT) ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Yang na ang turismo ay mahalagang bahagi ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Sinabi rin niyang nakahanda ang ACC na pasulungin ang kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa sa turismo at ipagkaloob ang mga may kinalamang serbisyo.
Ipinahayag naman ni Jimenez na nakahanda ang DOT na pahigpitin, kasama ng ACC, ang pag-uugnayan para palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa turismo.