Ayon sa datos na inilabas Biyernes, Enero 10, 2017 ng General Administration of Customs ng Tsina, umabot sa 2.18 trilyong yuan RMB noong Enero ng kasalukuyang taon ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina. Ito ay lumaki ng 19.6% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon, na lampas sa ekspektasyon. Kung kakalkulahin batay sa dolyares, ang pagluluwas ng Tsina noong isang buwan ay lumaki ng 7.9% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, bagay na nagbigay-wakas sa situwasyon ng pagbaba ng pagluluwas nitong nakalipas na 9 na buwang singkad.
Ayon sa tagapag-analisa, inaasahang magiging mas maganda, kaysa noong isang taon ang pangkalahatang kalagayan ng kalakalang panlabas ng Tsina, pero nangingibabaw pa rin ang ilang di-matatag na elementong dapat pag-ukulan ng pansin.
Salin: Vera