Ayon sa datos na isinapubliko ngayong araw ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang 3 kuwarter ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 17.8 trilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina. Ito ay mas mababa ng 7.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Sa isang preskong idinaos sa Beijing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinahayag ni Huang Songping, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na sapul nang pumasok ang taong ito, patuloy pa rin ang malalimang pagsasaayos ng kabuhayang pandaigdig. Aniya, hindi pa malinaw ang prospek ng kabuhayang pandaigdig sa hinaharap, malaki ang presyur sa kabuhayang panloob ng Tsina, at bumagal ang bahagdan ng paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa. Ngunit, bumubuti ang kalidad at episensya ng kalakalang panlabas ng bansa, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng