Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Miyerkules, ika-13 ng Enero, 2016 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, 24.59 na trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalan ng paninda ng Tsina noong 2015. Ito ay bumaba ng 7% kumpara sa taong 2014.
Sinabi ni Huang Songping, Tagapagsalita ng naturang administrasyon, na noong isang taon, 14.14 trilyong yuan RMB ang pagluluwas ng Tsina, na bumaba ng 1.8%; 10.45 trilyong yuan RMB naman ang pag-aangkat, na bumaba ng 13.2%. Ipinakikita ng estadistika na noong 2015, ang Unyong Europeo, Amerika at ASEAN ay unang tatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina. Samantala, mas mabuti kaysa pangkalahatang kalagayan ng pag-aangkat at pagluluwas ang kalagayan ng kalakalan ng Tsina sa mga bagong-sibol na pamilihang gaya ng ASEAN at India.
Salin: Vera