Setyembre 5, 2016—Kasabay ng pormal na paghirang ng embahador sa isa't isa ng Iran at Britanya, napanumbalik nila ang relasyong diplomatiko sa antas ng embahador, sapul nang maputol ito noong 2011.
Nang araw ring iyon, hinirang ng pamahalaan ng Iran si Hamid Baeidinejad bilang bagong embahador ng Iran sa Britanya. Samantala, hinirang ng pamahalaan ng Britanya si Nicholas Hopton bilang embahador ng Britanya sa Iran.
Noong 2015, muling binuksan ng dalawang bansa ang embahada sa isa't isa at napanumbalik nila ang relasyon sa antas ng charge d'affaires.
salin:wle