Ayon sa siniping impormasyon ngayong araw, Marso 18, 2016, ng Yonhap News Agency mula sa Joint Chiefs of Staff (JCS) ng Timog Korea, inilunsad nang araw ring iyon ng Hilagang Korea ang isang ballistic missile sa karagatan sa silangang bahagi ng Korean Peninsula. Halos 800 kilometro ang tinahak ng naturang missile.
Pagkaraang ilunsad noong Marso 10, 2016, ng Hilagang Korea ang 2 short-range ballistic missile, ito ang muling paglulunsad ng naturang bansa. Ayon sa JCS, kasalukuyang mahigpit na binabantayan at mino-monitor ng Timog Korea ang may-kinalamang kalagayan, at ipinagpapatuloy nito ang katugong paghahanda para harapin ang situwasyong ito.
Salin: Li Feng