|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Biyernes, Pebrero 10, 2017, ng Xiaomi Company — bantog na mobile phone manufacturer ng Tsina, ang pagsisimula ng produksyon ng mobile phones sa Indonesia. Mula taong 2017, naisakatuparan ang komprehensibong local production at sales ng mga mobile phones ng kompanyang ito sa nasabing bansa.
Ang pabrikang lokal ng Xiaomi Company ay nasa Batam Island, Indonesia. Ang islang ito ay bahagi ng Delta Economic Region ng Indonesia-Malaysia-Singapore. Ayon sa ulat, tatlong lokal na mangangalakal ng Indonesia ang may kooperasyon sa Xiaomi.
Ipinahayag ni Wang Xiang, Senior Vice-President ng Xiaomi Company, na ang pagpapasimula ng local production ng kompanya sa Indonesia ay nagpapakita ng kahalagahan ng pamilihang Indones.
Sapul nang pumasok sa pamilihang Indones ang mga produkto ng Xiaomi noong Agosto, 2014, mabilisan itong nakilala ng mga mamimiling Indones dahil sa mura at de-kalidad na produkto.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |