NILIWANAG ng Malacanang na ang P 2 bilyong tulong na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Surigao City kahapon ay para sa mga kawani ng mga minahang apektado ng pagsasara at pagpapatigil ng operasyon.
Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na pinagusapan na nila ni Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go ang pahayag ng pangulo.
Ani G. Andanar, niliwang niya na ang pahayag ng pangulo ay hinggil sa pagpapasara at pagsuspinde ng mga minahan sapagkat mawawalan ng hanapbuhay ang mga mamamayan.
Ayon pa sa kalihim, sa isang cluster meeting na dinaluhan ni Pangulong Duterte, binanggit niya ang P 1 bilyong ibinigay sa Department of Social Welfare and Development. Mayroon pang isang bilyong pisong ilalaan.
Hindi maliwanag kung ang mga pondong gagamitin sa relief ng Surigao del Norte ay magmumula sa P 2 bilyong inilaan para sa iba pang tulong.