SINABI ni Dr. Renato Solidum na kailangang maghanda ang Metro Manila sa posibleng pagyanig ng lupa sapagkat matagal nang hindi nagkakaroon ng pagyanig sa bahaging ito ng bansa.
Posibleng umabot sa 31,000 hanggang 34,000 katao ang masasawi sa oras na tumama ang 7.2 magnitude earthquake sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.
Binanggit ni Dr. Solidum na mayroong pagsusuring ginawa ang Japan International Cooperation Agency, Metro Manila Development Authority at Philippine Institute of Volcanology and Seismology ilang taon na ang nakalilipas.
Sa pagyanig ng malakas na lindol sa Metro Manila, malaki ang posibilidad na umabot sa 13% ng mga tahanan ang magigiba. Aabot naman sa 100,000 katao ang masusugatan samantalang masusunog ang may 10% ng mga gusali at 'di na kailanaman magagamit.