Nag-usap Pebrero 10, 2017 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump. Ito ang kauna-unahang pag-uusap sa telepono ng dalawang lider, pagkaraang manumpa sa tungkulin si Pangulong Trump.
Ipinahayag ni Trump na ipagpapatuloy ng Amerika ang patakarang "Isang Tsina," at ibayong pahihigpitin ang pakikipagtulungang may mutuwal na kapakinabangan sa Tsina, sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan at mga suliraning pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Pangulong Xi na may mahalagang katuturan ang ibayong pagpapalakas ng pagtutulungan ng Tsina at Amerika. Sinang-ayunan din ng dalawang lider ang pagdaraos ng opisyal na pag-uusap, sa lalong madaling panahon.