Ayon sa adwana ng Xiamen, lalawigang Fujian, noong Enero, 2017, lumampas sa 15.5 bilyong RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng lalawigang Fujian at mga bansang ASEAN; ito ay mas malaki ng 15% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Bilang purok-sentro ng " Silk Road sa Karagatan," pinapahigpit ang konektibidad sa pagitan ng Fujian at ASEAN. Samantala, ang pinapabilis na pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Fujian ay ibayong nagbibigay-ginhawa sa pagpasok ng mga produkto ng ASEAN sa pamilihan ng lalawigan.