|
||||||||
|
||
Noong isang taon, bumaba ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ngunit, tinaya ng ilang personaheng pulitikal at komersyal na sa kasakuluyang taon, bunga ng pagiging internasyonal ng RMB, pagpapalalim ng kakayahan ng produksyon, pagiging mas malawak ng bilateral na pamumuhunan, at iba pang elemento, patuloy na bubuti ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Sa serye ng aktibidad ng Tsina at ASEAN na magkasanib na itinaguyod kamakailan ng China-ASEAN Business Council (CABC) at Komisyon ng ASEAN sa Beijing, ipinahayag ni Thit Linnohn, Embahador ng Myanmar sa Tsina, na dahil sa mga paborableng elementong gaya ng "Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP)," tataas ang relasyong pangkabuhayan, pangkalakalan, at pampamumuhunan ng Tsina at Myanmar sa taong 2017.
Bilang tugon sa di-paborableng datos ng pagbaba ng halaga ng kalakalang Sino-ASEAN, ipinahayag ni Xu Ningning, Executive Director ng CABC, na sa katotohanan, ito ay nakakatulong sa pagpapabuti ng estrukturang pangkalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |