Binuksan nitong Miyerkules ng gabi, ika-18 ng Enero 2017, sa Singapore, ang ASEAN Tourism Forum (ATF) 2017.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng porum, iniharap ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, ang "Visit ASEAN@50" campaign, para ang ASEAN ay maging isang pinagsama-samang destinasyong panturista.
Sinabi ni Lee, na ang taong ito ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN. Umaasa siyang sa ilalim ng naturang campaign, aabot sa 121 milyon ang bilang ng mga dayuhang turista na maglalakbay sa mga bansang ASEAN sa taong ito. Dagdag niya, masagana ang yamang panturismo ng mga bansang ASEAN, at maisasakatuparan ang target na ito.
Ang tema ng ATF 2017 ay "Shaping our Tourism Journey Together." Sa panahon ng 5-araw na porum, idaraos ang ASEAN National Tourism Organizations Meetings, ASEAN Tourism Ministers' Meeting, ASEAN Tourism Conference, at mga promosyong panturismo.
Salin: Liu Kai