|
||||||||
|
||
Ipinadala nitong Biyernes, Pebrero 17, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Mamnoon Hussain ng Pakistan bilang pakikiramay sa naganap na grabeng teroristikong pananalakay sa rehiyong Sehwan ng probinsyang Sindh ng Pakistan.
Sa mensahe, ipinahayag ni Pangulong Xi na sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili mismo, ang malalim na pakikidalamhati sa mga biktima. Ipinahayag din niya ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga sugatan at nasawi sa insidenteng ito.
Dagdag pa ni Xi, tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng porma ng terorismo at mahigpit na kinondena ng panig Tsino ang nasabing insidente ng pananalakay. Patuloy aniyang kakatigan ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng Pakistan sa pagbibigay-dagok sa terorismo, pangangalaga sa katatagan ng bansa, at pangangalaga sa kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |