|
||||||||
|
||
Sina Xi Jinping (sa kanan) at Joseph Biden (sa kaliwa)
Davos — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Martes, Enero 17, 2017, kay Joseph Biden, Pangalawang Pangulong Amerikano, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mainam na pagbati kay Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos. Lubos din niyang pinapurihan ang ibinibigay na ambag ni Biden sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano at pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 38 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, walang humpay na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Ipinagdiinan din niyang ang pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig ay nangangailangan ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at Amerika upang maitatag ang pangmalayuan at matatag na relasyong pangkooperasyon.
Ipinaabot muna ni Biden ang pagbati sa pagbigkas ni Pangulong Xi ng napakahalagang talumpati sa katatapos na seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng World Economic Forum (WEF). Ipinahayag niya na ang relasyong Amerikano-Sino ay napakahalagang bilateral na relasyon. Sa ika21 siglo, napakahalaga ng paglaki at kasaganaan ng dalawang bansa para sa buong daigdig.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |