Beijing — Ipinahayag nitong Biyernes, Pebrero 10, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pag-uusap sa telepuno nang araw ring iyon nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika ay isinagawa ayon sa naunang plano ng dalawang panig. Kapwang inaasahan ng lider ng dalawang bansa ang pagkikita sa lalong madaling panahon.
Nitong Biyernes, sa pag-uusap nila Xi at Trump, ipinahayag ng huli ang buong tatag na pananangan sa patakarang isang Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag ni Lu na ang prinsipyong isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano. Aniya, ang paggarantiya sa prinsipyong ito ay napakahalaga para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong ito. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano upang mapalakas ang pagkokoordinahan, mapalawak ang kooperasyon, at mapasulong ang pagtatamo ng mas maraming bunga ng relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay ng kooperasyong Sino-Amerikano, ipinahayag ni Lu na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, pinakamalaking maunlad na bansa, at dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, kailangang isagawa at palakasin ng Tsina at Amerika ang kooperasyon.
Salin: Li Feng