Sabado, Pebrero 18, 2017, local time, sa panahon ng kanyang pagdalo sa Munich Security Conference, kinatagpo si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ni Pangulong Ashraf Ghani ng Afghanistan.
Binigyan ng kapuwa panig ng positibong pagtasa ang natamong progreso ng relasyong Sino-Afghan. Ipinalalagay nilang matibay ang pundasyon ng relasyon ng dalawang bansa, at tumpak ang direksyon ng pag-unlad nito.
Ipinahayag ni Wang na hinahangaan ng panig Tsino ang matatag na pakikitungo ng pamahalaang Afghan sa pagbibigay-dagok sa ekstrimista at teroristikong puwersa na "Eastern Turkistan Islamic Movement" (ETIM). Kinakatigan din aniya ng Tsina ang pagpapasulong ng Afghanistan sa proseso ng rekonsilyasyon sa loob ng bansa.
Pinasalamatan naman ni Ghani ang ibinigay na pagkatig at tulong ng panig Tsino sa rekonstruksyon ng kanyang bansa. Nakahanda aniyang palakasin, kasama ng panig Tsino, ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng connectivity sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative.
Salin: Vera