|
||||||||
|
||
Sina Wang Xuehong (kaliwa), asawa ng embahador ng Tsina sa Myanmar, at Daw Mya Thidar (kanan), asawa ng Minister of Social Welfare, Relief and Resettlement ng Myanmar, sa seremonya ng paglalagay ng panulukang bato
Idinaos kahapon, Martes, ika-21 ng Pebrero 2017, sa Yangon, Myanmar, ang seremonya ng paglalagay ng panulukang bato, para sa bagong gusali ng Daw Kyin kyi Women`s Hospital, na itatayo sa pamamagitan ng donasyon ng Embahada ng Tsina sa Myanmar.
Lumahok sa seremonya sina Wang Xuehong, asawa ng embahador ng Tsina sa Myanmar, Daw Mya Thidar, asawa ng Minister of Social Welfare, Relief and Resettlement ng Myanmar, at mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Yangon.
Ang kasalukuyang hitsura ng Daw Kyin kyi Women`s Hospital
Ayon sa embahadang Tsino, bukod sa pagtatayo ng bagong gusali, magbibigay-tulong din ang panig Tsino sa renobasyon ng lumang gusali, at pagsasanay ng mga tauhang medikal. Sa pamamagitan ng mga ito, magiging kumpleto ang mga pasalidad at kagamitan, at magiging komprehensibo ang function ng naturang ospital. Ito rin ang magiging unang China-Myanmar friendship hospital sa bansa.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |