Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag tungkol sa pagpapadala ng Amerika ng aircraft carrier strike group sa South China Sea upang magsagawa ng regular na pagpapatrolya, ipinahayag nitong Lunes, Pebrero 21, 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na makakapagbigay ang panig Amerikano ng mas maraming bagay na nakakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan.
Ani Geng, sa mula't mula pa'y iginagalang ng panig Tsino ang kalayaan ng iba't-ibang bansa sa paglalayag at paglipad sa South China Sea alinsunod sa pandaigdigang batas. Ngunit, tinututulan aniya ng panig Tsino ang pagsasapanganib at pagpinsala ng ilang bansa sa soberanya at kaligtasan ng mga bansa sa baybaying-dagat, sa katuwiran ng "kalayaan sa paglalayag at paglipad." Umaasa ang Tsina na gagawa ang nasabing mga bansa ng mas maraming bagay na nakakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng