HINILING ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na ayusin ng pamahalaan ang mga programa para sa aviation sector at mga paliparan upang higit na umunlad ang bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCCI na ang Pilipinas ay apat na oras lamang mula sa mga malalaking lungsod ng rehiyon subalit hindi nagamit ang magandang pook nito bilang international gateway sapagkat sadlak sa problema ang mga na sa aviation sector tulad ng kakulangan ng investments sa mga airport terminal, runwaysat communication facilities, kakulangan ng programang tutugon sa operation distruptions at undermined aviation safety at limitadong major gateways upang lumago ang bilang ng mga paalis at padating na eroplano.
Ito rin ang dahilan kaya't naiiwan ang Pilipinas kung bilang ng mga turista ang pag-uusapan. Kailangan umano ang dual airport policy, ang New Metro Manila International Airport para sa Metro Manila at South Luzon at ang Clark Airport para sa Metro Clark at Northern Luzon.