Isinapubliko Pebrero 22, 2017 ng kapulisan ng Malaysia ang impormasyon hinggil sa dalawang taong may-kinalaman sa asasinasyong naganap kamakailan sa paliparan ng Kuala Lumpur. Anito, kabilang sa mga may kinalaman ay isang diplomata ng Hilagang Korea sa Malaysia, at manggagawa ng isang kompanya ng abiyasyong sibil ng H.Korea. Kasalukuyan silang nasa loob ng teritoryo ng Malaysia.
Sa isang note sa embahada ng Hilagang Korea sa Malaysia, ipinahayag ng Malaysia ang pag-asang tutulong ang nasabing dalawang tao sa mga kaukulang imbestigasyon.