Ipinahayag Pebrero 22, 2017 ng embahada ng Hilagang Korea sa Malaysia ang pagduda sa isinagawang pangako ng Malaysia, na wala itong papanigan kaugnay ng asasinasyong naganap kamakailan sa paliparan ng Kuala Lumpur, at mga kaukulang imbestigasyon. Umaasa rin ang H.Korea na palalayain ng Malaysia ang mga inaresto.
Binigyang-diin ng Hilagang Korea na ang pagtiyak sa dahilan ng pagpatay sa lalaking Hilagang Koreano sa paliparan ang pinakamahalagang tungkulin, sa kasalukuyan. Pero, pinagdududahan anito ng kapulisan ng Malaysia ang mga taga-H.Korea.