Ipinahayag sa Putrajaya nitong Miyerkules, Pebrero 22, 2017, ni Mah Siew Keong, Minister of Plantation Industries and Commodities ng Malaysia, na noong isang taon, umabot sa mahigit 27.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng mga primary products ng bansa.
Ipinahayag niya na ang plantasyon at pagluluwas ng primary products ay mahalagang sandigang industriya ng Malaysia. Aniya, upang ibayo pang mapasulong ang pagluluwas ng nasabing produkto, bubuuin ng pamahalaang Malay ang mga kaukulang tanggapan sa ibang bansang tulad ng Iran at India.
Salin: Li Feng