Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag tungkol sa pagkansela ng biyahe sa Pilipinas ng Ministro ng Komersyo ng Tsina, kung saan nakatakdang lagdaan ng dalawang panig ang isang serye ng kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan na narating sa state visit sa Tsina ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang taon, ipinahayag nitong Huwebes, Pebrero 23, 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dahil sa pagsasaayos ng agenda, ipinagpaliban ng ilang araw ang pagdaraos ng Sino-Philippines Economic and Trade Joint Committee.
Ani Geng, kasalukuyang aktibong nagsasagawa ang dalawang panig ng kaukulang paghahanda. Tinukoy niya na bunga ng matagumpay na biyahe ni Pangulong Duterte sa Tsina noong 2016, napapahupa ang relasyong Sino-Pilipino. Sa kasalukuyan, sa magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, maayos na isinusulong at isinasakatuparan ang iba't-ibang kasunduang pangkooperasyong nilagdaan sa nasabing biyahe, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng