Manila — Bumisita nitong Martes, Enero 17, 2017, si Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinahayag ni Pangulong Duterte na sapul nang kanyang biyahe sa Tsina noong isang taon, komprehensibong umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Ani Duterte, lubos niya itong ikinasisiya. Sa darating na Mayo, pupunta aniya siya sa Beijing upang dumalo sa Belt and Road Forum.
Ipinahayag naman ni Liu ang kahandaan ng panig Tsino na isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa upang makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng