|
||||||||
|
||
Manila — Magkakahiwalay na nakatagpo nitong Miyerkules, Nobyembre 16, 2016, si Ning Jizhe, Pangalawang Puno ng National Development and Reform Commission (NDRC) ng Tsina, ng mga opisyal ng Pilipinas na kinabibilangan ni Carlos G. Dominguez, Kalihim ng Kagawaran ng Pinansya, at iba pa.
Upang maisakatuparan ang komong palagay na narating nitong Oktubre nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil pagpapalakas ng kanilang kooperasyon sa kakayahan ng produksyon, pamumuhunan, komunikasyon, imprastruktura, at iba pang larangan.
Bukod dito, ipinahayag ng dalawang panig na pasusulungin ang pragmatikong kooperasyon sa mga larangang tulad ng koryente, instalasyon sa mga lunsod, pagpigil sa baha, at iba pa. Layon nito anila ay pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayang lokal, at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Li Feng
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |