Mula Pebrero 19 hanggang 22, 2017, pinamunuan ni Song Tao, Puno ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang CPC delegation na bumisita sa Pilipinas. Sa kanyang pakikipagtagpo sa delegasyong ito, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na pansin sa karanasan ng CPC sa pangangasiwa sa estado at administrasyon.
Ipinahayag ni Pangulong Duterte na inaasahan ng kanyang bansa ang komprehensibong pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa. Bilang Tagapangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP–Laban), sinabi ni Duterte, na kailangang palakasin ng dalawang partido ang pagpapalitan at pagpapalagayan, at palalimin ang pagtitiwalaan at pagtutulungan.
Sa pagtatagpo, paulit-ulit na ipinahayag ni Pangulong Duterte na interesado siya sa naturang karanasan ng CPC, at ipapadala ang mga opisyal ng PDP-Laban at mga local leaders ng Pilipinas sa Tsina, sa lalong madaling panahon upang magsagawa ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan. Nagpahayag si Song ng mainit na pagtanggap tungkol dito.
Pagkaraan ng pagtatagpo, sinaksihan ni Duterte ang paglagda nina Song, at Aquilino Pimentel III, Presidente ng PDP-Laban, sa Memorandum hinggil sa pagpapalitan at pagtutulungan ng CPC at PDP-Laban.
Salin: Li Feng