Bilang tugon sa pagpapalabas kamakailan ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Hapon ng umano'y "Ulat ng Garantiyang Panseguridad ng Tsina sa 2017 — Bumabagong Relasyon ng Tsina at Taiwan," ipinahayag nitong Biyernes, Pebrero 24, 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, at ito ay may kaugnayan sa nukleong kapakanan ng Tsina. Hinimok niya ang Hapon na dapat maging maingat sa pananalita at aksyon sa isyu ng Taiwan, at huwag lumikha ng bagong hadlang sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones.
Nang sagutin ang tanong ng mga mamamahayag, sinabi ni Geng na nagharap na ang panig Tsino ng solemnang representasyon sa panig Hapones tungkol dito.
Salin: Li Feng