BEIJING—Ipinahayag Lunes, Disyembre 19, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang kanyang bansa na maliwanag na malalaman ng Amerika ang kahalagahan at sensitibidad ng isyu ng Taiwan nang sa gayon ay maingat at maayos na hahawakan ang isyung ito.
Ayon sa ulat, iminungkahi kamakailan ni Barack Obama, kasalukuyang pangulo ng Amerika kay bagong halal na pangulong Donald Trump na dapat maingat na isaalang-alang ang anumang pagbabago ng patakarang isang Tsina. At inulit din kamakailan ang nananangan sa patakarang isang Tsina nina Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya, Jean-Marc Ayrault, Ministrong Panlabas ng Pransya, at Julie Bishop, Ministrong Panlabas ng Australia.
Tungkol dito, ipinahayag ni Hua na ang patakarang isang Tsina ay komong palagay ng komunidad ng daigdig, at nagiging paunang kondisyon at pundasyon ng relasyon ng Tsina at anumang iba pang bansa.
salin:lele