Kobe, Hapon — Binuksan nitong Lunes, Pebrero 27, 2017, ang ika-17 round ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Talks. Tatagal ito mula Lunes hanggang Biyernes kung saan tatalakayin ng mga kinatawan mula sa sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at anim (6) na dialogue partners nitong gaya ng Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand, at India ang tungkol sa taripa, karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), kalakalang panserbisyo, at iba pang larangan. Nagkasundo na sa kabuuan ang mga kinatawan sa naunang talastasan, sa larangan ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya, at mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal.
Ito ang unang talastasang idinaos ng mga kalahok na bansa sa RCEP makaraang ideklara ng Amerika ang pagtalikod sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP).
Noong unang dako ng Pebrero, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang pag-asang magsisikap ang iba't-ibang kaukulang panig para mapabilis ang proseso ng RCEP Talks upang magkaroon ng kasunduan sa lalong madaling panahon at makapagbigay ng ambag sa pagsasakatuparan ng komong hangarin ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan sa Asya-Pasipiko.
Salin: Li Feng