Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-24 ng Nobyembre 2016, sa Beijing ni Tagapagsalita Shen Danyang ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na buong sikap na pinasusulong ng Tsina ang talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), para matapos sa lalong madaling panahon ang talastasang ito, at makapagbigay ng ambag sa integrasyong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko.
Dagdag ni Shen, ang RCEP ay iniharap at pinamumunuan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at lubos na iginagalang ng Tsina ang nukleong posisyon ng ASEAN sa usaping ito.
Sinabi rin niyang pinahahalagahan ng Tsina ang multilateral na sistema ng kalakalan, at walang humpay na palalakasin ang papel nito. Ito aniya ay upang lumikha ng mas malaya at maginhawang kapaligiran, para sa kalakalang pandaigdig.
Salin: Liu Kai