Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Lunes, Pebrero 27, 2017, kay Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operation Office (PCOO), ipinahayag ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na sapul nang matagumpay na biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong isang taon, kasalukuyang aktibong pinasusulong ng Tsina at Pilipinas ang nalagdaang Memorandum of Cooperation ng mga namamahalang departamento ng media ng dalawang bansa. Aniya, ayon sa aktuwal na pangangailangan ng panig Pilipino, magsasagawa ang panig Tsino ng katugong pakikipagkooperasyon sa Pilipinas sa larangang ito.
Ipinahayag naman ni Andanar ang taos-pusong pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng panig Tsino. Patuloy aniyang magsisikap ang Pilipinas kasama ng Tsina, upang magkasamang mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng media.
Salin: Li Feng