Binuksan Marso 1, 2017 sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar ang kauna-unahang Porum sa Pagtutulungang Panturismo ng Tsina at Myanmar. Ang tema ng kasalukuyang porum ay: "Pagtutulungang Panturismo-Bagong Puwersa sa Pagpapasulong ng Komprehensibong Estratehikong Partnership ng Tsina at Myanmar."
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Du Jiang, Pangalawang Puno ng Awtoridad na Panturismo ng Tsina na positibo ang pamahalaang Tsino sa isinasagawang pakikipagtulungan ng mga bahay-kalakal na panturismo ng Tsina sa Myanmar. Ipinahayag naman ng kanyang Burmese countertpart na si Ohn Maung ang pag-asang mapapasulong ng kasalukuyang porum ang pagtatatag ng maginhawa, ligtas at murang modelong panturismo para sa mga pasahero ng Tsina at Myanmar. Ipinahayag din ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar na bilang pangalawang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga dayuhang turista sa Myanmar, ang mga turistang Tsino ay magdudulot ng ginhawa sa kaunlarang pangkabuhayan ng bansang ito.