|
||||||||
|
||
Mula kawali sa kanan: Melito S. Salazar Jr., Board Chairman ng OmniPay; Maria Sheilah H. Lacuna-Pangan, Pangalawang Alkalde ng Manila; at Shi Wenchao, Presidente ng China UnionPay
Magkasamang ipinalabas kahapon, Miyerkules, Marso 1 2017, sa Manila ng China UnionPay International at OmniPay, taga-isyu ng bank card ng Pilipinas, ang unang Manila City Card.
Sa pamamagitan ng kard na ito, ipagkakaloob ng pamahalaang munisipal ng Manila ang iba't ibang welfare subsidy sa mga lokal na residente. Puwede ring gamitin ang kard na ito para sa internasyonal na pagbayad, sa pamamagitan ng UnionPay network sa 160 bansa at rehiyon ng daigdig.
Sa simula, ibibigay ang kard na ito sa mga senior citizen, at kawani ng pamahalaang munisipal ng Manila. Sa hinaharap, ibibigay din ito sa mga guro, alagad ng batas, kawani ng mga city hospital, at iba pa.
Sa seremonya ng pagpapalabas ng Manila City Card, sinabi ni Shi Wenchao, Presidente ng China UnionPay, na ang Pilipinas ay mahalagang pamilihan ng kanyang kompanya, at ang pagpapalabas ng kard na ito ay makakatulong sa pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas. Aniya pa, magsisikap ang UnionPay, kasama ng OmniPay, para dagdagan ang mas maraming function sa naturang kard, na gaya ng online payment at mobile payment, bilang mas magandang pagtugon sa pangangailangan ng mga taong gumagamit.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |