Inilabas ng Tsina Miyerkules, unang araw ng Marso, ang International Strategy of Cooperation on Cyberspace para komprehensibo at sistematikong iharap ang mga paninindigang Tsino hinggil sa pagpapasulong ng pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng cyberspace.
Ito ang unang beses na paglabas ng Tsina ng pandaigidigang estratehiya hinggil sa cyberspace.
Ayon dito, ang pandaigdigang kooperasyon sa cyberspace ay dapat isagawa sa pundasyon ng kapayapaan, soberanya, magkasamang pangangasiwa at komong kapakinabangan.
Nakalahad din sa nasabing estratehiya, na nakahanda ang Tsina na aktibong lumahok sa mga pandaigdigang kooperasyon sa cyberspace na gaya ng pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng cyberspace, paggarantiya ng seguridad ng impormasyon sa cyberspace, pagbibigay-dagok sa krimen at terorismo sa internet, at marami pang iba.