|
||||||||
|
||
Wuzhen, probinsyang Zhejiang — Nakatakdang idaos mula ngayong araw, Nobyembre 16, hanggang Nobyembre 18, 2016, ang Ika-3 World Internet Conference. Sa panahon ng pulong, kolektibong ididispley ang natamong tagumpay ng pag-unlad ng internet ng Tsina at bungang panteknolohiya sa buong mundo. Ipinalalagay ng mga eksperto na nitong 22 taong nakalipas sapul nang makipagkonekta ang Tsina sa internet noong taong 1994, salamat sa mga kaukulang patakaran ng bansa, napakabilis na umuunlad ang internet sa Tsina. Ito ay nakakapagbigay ng malaking puwersang tagapagpasulong sa iba't-ibang larangang gaya ng kabuhayan, lipunan, at kultura, at nakakapagpabuti ng malaki sa kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa.
Sinabi ni Guo Hequan, academician ng Chinese Academy of Engineering, na bagama't naantala ng 20 taon ang pagpasok ng internet sa Tsina kumpara sa mga maunlad na bansa, ang kombinasyon ng internet at siyensiya't teknolohiya ay nakapaghatid ng pangmalayuang impluwensiya sa porma ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Aniya, ang digital economy na may kinatawang internet, ay nakakapaghatid ng pagbabago ng teknolohiyang industriyal at nakakapagpasulong sa transisyon ng estrukturang ekonomiko ng bansa.
Ayon sa estadistika ng iResearch, isang internet research agency, noong isang taon, lumampas sa kauna-unahang pagkakataon, sa 1.1 trilyong Yuan, RMB ang network economy income ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 47.3% kumpara sa taong 2014. Hanggang sa ngayon, lumalaki pa ang proporsisyon ng network economy sa Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa.
Salamat sa internet, nabunsod din ang napakaraming bagong pormang pangserbisyo sa lipunan na gaya ng micro business, online ride-hailing service, at iba pa. Ang mga ito ay nakakapagbaba sa social trading cost at nakakapagpataas sa allocative efficiency ng resources.
Wuzhen, pinagdarausan ng Ika-3 WIC.
Salin: Li Feng
Photo Source: Xinhuanet
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |