Wuzhen, probinsyang Zhejiang — Ipininid Biyernes, Nobyembre 18, 2016, ang tatlong (3) araw na Ika-3 World Internet Conference (WIC).
Sa panahon ng pulong dumalo ang mahigit 1600 panauhin galing sa mahigit 110 bansa't rehiyon upang magkakasamang pakinggan ang ginawang video speech ni Pangulong Xi Jinping at mga talumpati ng World Leaders at namamahalang tauhan ng mga mahahalagang organisasyong pandaigdig.
Sa pamamagitan ng malalim at matapat na pagpapalitan, natamo ng mga kalahok ang kapansin-pansing bunga sa mga aspektong tulad ng pagdidispley ng teknolohiya, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, pagkakaroon ng komong palagay, at iba pa.
Salin: Li Feng