Binuksan ngayong araw, Miyerkules, ika-16 ng Nobyembre 2016, sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina, ang Ika-3 World Internet Conference.
Sa kanyang video speech sa pulong, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat palalimin ang pandaigdig na kooperasyon sa cyber space, para sa mas mabuting pangangasiwa sa internet, at pagbuo ng komunidad ng komong kapalaran sa cyber space.
Sinabi rin ni Xi, na pumasok na sa bagong yugto ang pag-unlad ng internet sa buong daigdig. Aniya, para samantalahin ang mga pagkakataong dulot nito, at harapin din ang mga hamon, dapat palakasin ng iba't ibang bansa ang pag-uugnayan sa cyber space, pagbabahagi ng mga impormasyon, at magkakasamang pangangasiwa sa internet.
Salin: Liu Kai