Sa kanyang work report sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-5 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Komite ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), kataas-taasang political advisory body ng Tsina, sinabi nitong Biyernes, Marso 3, 2017, ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng CPPCC, na noong isang taon, nagsikap ang CPPCC para sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at konstruksyong panlipunan.
Sinabi ni Yu na noong isang taon, isinulong ng CPPCC ang pagpapalalim ng reporma sa sistemang medikal at pangkasulugan, at nakapokus ito sa pagkakapantay-pantay sa edukasyon at pagpapataas ng kalidad ng edukasyon. Bukod dito, binigyang-pansin ng CPPCC ang isyu ng paghanap-buhay, at iniharap nito ang mga katugong mungkahi.
Salin: Li Feng