Bubuksan bukas, Marso 5, 2017, ang taunang pulong ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Isiniwalat Sabado, Marso 4, ni Tagapagsalita Fu Ying ng sesyong ito, na sa taong 2017, lalaki ng mga 7% ang defense budget ng bansa. Ito ay isang palatandaang posibleng lumampas sa kauna-unahang pagkakataon, sa isang trilyong Yuan, RMB ang nasabing badyet ng Tsina. Nang kapanayamin ng mamamahayag ng CRI, ipinahayag ni Chen Zhou, kinatawan ng NPC at mananaliksik ng People's Liberation Army (PLA) Academy of Military Sciences ng Tsina, na magiging makatuwiran, lehitimo, angkop, at matatag ang paglaki ng defense budget ng bansa.
Kaugnay ng defense budget, sinabi ni Fu na itinatakda bawat taon ng pamahalaang Tsino ang saklaw ng defense budget ayon sa pangangailangan ng konstruksyong pandepensa at lebel ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Aniya, 1.3% lamang ang proporsiyon ng defense budget sa Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP).
Kumpara sa bahagdan ng paglaki ng defense budget ng Tsina mula taong 2012 hanggang 2016, bababa ang bahagdan ng paglaki nito sa taong 2017 nitong nagdaang dalawang taong singkad.
Salin: Li Feng