Pangunahin Puntos ng Government Work Report ni Premyer Li Keqiang ng Tsina (Mga kahirapan at problema noong 2016)
(GMT+08:00) 2017-03-05 09:48:18 CRI
Malinaw nating pinansin ang mga kahirapan at isyu sa proseso ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Kailangang palakasin ang puwersang panloob sa paglaki ng kabuhayan; ang overcapacity ay nagiging hamon para sa ilang industriya; kinakaharap ng ilang bahay-kalakal ang maraming kahirapan; lumaki ang agwat sa pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang lugar; at lumaki ang nakatagong panganib sa kabuhayan at pinansiya. Nanatiling malubha ang kalagayan ng polusyon, lalo na sa ilang lugar. Sa mga larangan na kinabibilangan ng pabahay, edukasyon, kalusugan, pag-asikaso sa matatanda, kaligtasan ng pagkain at medisina, pagbabahaginan ng kita, mayroon ding mga isyung ikinababahala ang mga mamamayan. Naganap ang mga malubhang aksidente sa pagmimina, konstruksyon at transportasyon. Ikinalulungkot ko ang mga ito. Mayroong ding mga problema ang mga gawain ng pamahalaan at madalas na nagaganap ang kaso ng korupsyon.
May Kinalamang Babasahin
Comments